๐ ๐ข๐ฅ๐ข๐ก๐ ๐ฅ๐๐ญ๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฌ ๐๐ข๐ง๐๐๐ก๐ ๐ต๐ญ๐ญ
Activated na at maaari ng gamitin ang Emergency Hotline 911 dito sa ating bayan ng Morong. Ang ating bayan ang kauna unahang bayan sa probinsya ng Rizal na mayroong ganitong advance technology na direktang matatanggap ng Morong Rizal Command Center ang emergency calls sa pamamagitan ng 911 hotline.
Pinangunahan ng ating Mayor Sidney Soriano ang inagurasyon at pagtanggap ng sertipikasyon ng pag activate ng ating Morong Rizal Emergency Hotline 911.
Dinaluhan ito ni DILG Undersecretary Atty. Juan Victor LLamas, DILG Executive Director ng Emergency 912 National Office G. Francis Fajardo, Gob. Nina Ynares at iba pang mga bisita at mga kasama sa Pamahalaang Bayan at ibaโt ibang ahensya ng gobyerno.
Paalala lang po sa ating mga kababayan na maging responsable sa paggamit ng emergency hotline 911 upang mabigyang daan ang mga emegency calls.